Ang hobby ko talaga noon na nasa Pinas pa ako ang manood ng Pelikula Everyweek end, opo ginawa ko itong hobby kasi masaya ako sa madilim at malamig sa loob ng teatrong ito at dahil sa pelikula kaya kung maging bida at kontrabida, kaya kung tumawa at umiyak at higit sa lahat kaya kong magmahal at mang-basted at magmahal ulit, sa isang oras at kalahating naka-upo sa loob ng madilim na gusaling ito, akoy naging totoo sa aking sarili at pagkatapos manood ng akoy lalabas na nakangiti dahil akoy naroon sa isang dimensyon ng aking buhay na akoy naging isang malaya. I'm a movie fanatic madami na akong napanood na pelikula mostly foreign kasi hindi predicatble ang plot, and i would say im a good critic pagdating dito. at ano bang meron sa pelikulang ito na gustong-gusto kong i-blog? kasi ang pelikulang ito akoy hinding-hindi magsasawa kahit sampung ulit ko pa itong panonoorin! may dala pa ring kirot sa puso, at alam ko sasang-ayon kayo sa Pelikulang ito na pagkatapos mong panoorin maantig ka sa karakter ni Mew,
Opo! Ito ang pelikulang LOVE OF SIAM,
Bakit ba masyado akong naka relate kay MEW, yong eksena na umu-uwi siya na walang sumasalubong sa kanya after mamatay yong lola nya, at ang mas nakaka-antig sa puso yung after ng concert at nag-usap sila ni TONG at ng sinabi ni Tong na "I can't be your boyfriend but it doesn't mean I dont love you", masarap marining yong ganon pero masakit din kasi hindi mo na makasama yong mahal mo, i felt the pain covered with a smile by Mew, ika nga you have to smile to cover the pain inside..para lang matapos ang eksena kung saan makita man lang nang mahal mo na sa mga ngiti mong kay pait na kaya mong tanggapin ang mga salitang binitiwan nya;
Isa pa na eksena na iniyakan ko talaga kahit paulit - ulit kong itong panoorin, yung nasa kwarto na siya at umiiyak habang hawak-hawak nya ang Christmas gift and he said "Thank you" at may ngiti na kay sakit damhin na kahit dito nalang sa huling parte ng regalong ito, makasama man lang kita sa tahimik at maluwang sa apat na sulok ng kwartong ito..(sabay tulo ng luha ko!) kasi ba naman sinong bang hindi maka-relate kang Mew kasi sa murang edad nya naranasan na niya ang umibig at masaktan na hinadlangan ng kasalukuyang sitwasyon dahil ba sa hindi normal ang ganitong pag-ibig?, masakit kasi bakit bawal at mali ang relasyong ito pero sa mga straight hindi, yong feeling na naranasan mo ng umibig at kay sarap pala ng pakiramdam ng umibig at ibigin ka pero kailangan mong magparaya at ihinto ang naramdamang ito dahil makasalanan at hindi tanggap ng mga "normal na tao"; uma-alingawngaw sa puso ko ang mga pait na ngiti ni Mew kasi isa ako sa mga taong nangangarap na sana may lugar para sa mga katulad kong magmahal na hindi tinatago, lasapin ang ang sarap na naranramdaman sa tuwing kasama mo ang iyong minamahal na walang iniisip na ito'y mali at hindi tanggap ng Diyos at ng lipunan..in my 30's being single, unloved & unappreciated lahat na yata ng prefix na word UN meron ako, kaya sa mga pelikula ko nalang hinahanap-hanap ang mga kwentong pag-ibig na ito, na hindi ko makita, malanghap at mayakap ang init kung anong merong sarap ba ang maramdaman ng may iniibig at ika'y iibigin rin..
Adik ka nga Hahaha. I remember your comment in one of my Bangkok entries. I love the film too and I was very lucky to have that chance encounter with Tong himself, the very beautiful Mario Maurer.
ReplyDelete@bienvenido_lim you're lucky guy having meet such wonderful actor, now i fall in love with tHAI movies, if u havent watch Crazy little thing called love" try it, u gonna love it..salamat sa comment nice to know ur reading my blog, now im happy hahaha
ReplyDelete