Sunday, June 5, 2011

Best Blogger Tips



   
Journey to Middle East: Part 1

Bakit nga ba ako nag abroad? Most Filipinos dreaming of going abroad and I’m one of them, but I’m not really keen to it, if may chance makapunta ok, kung walang chance ok pa rin. But you don’t know what fate may lead you. Uumpisahan ko na ang usaping ito; noon dahil sa sobrang uso yung Caregiver churva, eh try ko kaya mag-aral at least mas malaki daw ang tsansa na makapunta ng Canada at Japan kung caregiver ka, at saka yung ibang mga nurse nag-aral din ng caregiver meaning talagang sikat na course ito & that time Canada was the top choice to all caregivers if I have a chance, sobrang swerte Canada kaya yan malaki siguro ang kikitain at may snow pa; So nag-enroll agad ako ng caregiver course, sa totoo lang hindi naman masyadong komplikado ang caregiving, basta alam mo lang talaga ang prinsipyo ng pag-aalaga carry na yon. Masaya naman ako sa school madami kang ma-meet na sari-saring lifestyle at life story at ang output ng pag-aaral na ito ay mag-abroad para umasenso sa buhay, but sad to say the reality is, iilan lang ang nakapag abroad, sa school namin ang statistics 1:10 ratio meaning ang 1 na yan talagang pahirapan pa, ilang libong pera ang nagastos nyan. Para makalusot sa Canadian embassy at lalo na sa Immigration ng Pinas. Isa pa kung talagang sure na maka pag-abroad ka kailangan may kakilala ka o may kamag-anak sa bansa na pupuntahan mo na mag sponsor sayo, at sa sponsorship na ito siguradong makakalabas ka, eh paano na yong tulad naming walang mga koneksyon sa labas, dahil galing kami sa mga angkan ng mahihirap, talangang Zero Visibility ang tsansa ko pero sige pa rin malay ko may relatives pala ako dun. Hanggang natapos ko ang Caregiver course na walang klarong resulta at mahirap pa rin maabot ang pinapangarap na  mangibang bansa, at sa pagkakaalam ko sa batch namin 25 students, dalawang babae lang ang nakapunta sa abroad ang isa nasa Canada dahil may auntie nag sponsor, at ang isa nasa Israel thru manpower agency and the remaining 23 students are still stuck here sa Pinas at ang nakawiwindang na pangyayari pagkatapos ng Caregiver course ang iba nag-aaral na naman ng Nursing Aid dahil mas may edge na naman daw pag dalawa yong course ang natapos connected to such “Taking care of Elderly people” and that’s the reality! We’ve been fool by the system, and we keep taking such propaganda because we are very desperate to get out from this miserable life and the only way is to venture to the other country hoping for the greener pasture!, but I did not take Nursing aid, kalokohan na ito. Dadaanin ko nalang sa dasal baka maawa pa si bro. After a year nothing has been change from that caregiver course I took, walang abroad na nangyayari.


Hanggang Isang araw!,  sa office namin may 2 accounting staff na nag resign para mag-abroad ang destinasyon sa Dubai at Qatar, Okey naman nakalabas din sila, gamit ang  Tourist visa, and from that news we decided to follow them and yes “WE” marami kami.
My next blog, I will talk about our preparation going abroad and the stressful journey to the Philippine immigration (and the rumors of what’s really inside in the Philippine Immigration) exciting to! Watch out for Part 2..


DOHA STATE MOSQUE @ Markhiya District
                                                                              

0 komento ng mga nagmamala-sakit::

Post a Comment

Twitter Bird Gadget