Ang pagpapatuloy ng biyaheng Middle East, dahil sa first time kong makasakay ng Qatar Airways, at International Flight sobrang excited kasi sarap kaya, lalo na i-imagine ko yong mga advertisement sa T.V. sa mga International Flight in a luxurious Boeng (something like that), yong nasa harap mo yong T.V. tapos ang sarap mahiga sa kina-uupuan mo..halllerrr..hindi pala ganon! pag economy class ka, isa ka pa ring dukha! anyways dahil dissapointed ako! ini-enjoy ko nalang aking sarili sa kapapanood ng movie, inperness feeling sosyal pa rin kasi tig-iisang t.v. kami, syempre pagdating sa pagkain, walang choice kasi pareho lahat ang nasa menu, pero pagdating naman sa drinks talagang umorder ako na bonggang-bongga, red wine lang naman sa isang mini bottle, sosyal na yon ha, kasi red wine in the flight di bah!..ang pinaka sosyal pa rin dito international ang mga kahalubilo at nakadaupang palad ko, mula sa stewardees na magagandang Filipina,Korean, Chinese at Arab, nag iisang napaka tisoy na middle eastern guy, solve na, yon nga lang hanggang tingin lang ako, di ko pa kasi na master yong kalandian na sana namana ko ke Ms. Chuni o kay BM kay (other bloggers), anyhow 10 hours flight, tulog, nood ng movie, pa sulyap-sulyap sa mga guapita at guapitong stewardees, tulog na naman hindi ko kasi ugali ang pagiging haliparot o may talent na Mr. Friendship, kaya wala kaming usapan ni manong sa upuan opo, matanda na ang ka seatmate ko kaya was ko keber maki pagbalitaktakan ke manong, tulog na naman uli, actually malayo kasi yong mga upuan ng lima kung kasama kaya boring talaga ang flight ko, hanggang sa papalapag na ang eroplano sa Qatar International Airport, eto na kinakabahan na naman ako kasi ano kaya meron dito sa Qatar immigration haharangin naman kaya kami? Bago pa dyan sa Immigration Churva! pagbaba namin sa eroplano inperness may shuttle bus talaga, hahatid sa amin sa arrival area, pagdating namin sa immigration area, hala! first time kong makakita sa personal ng mga babaeng nakatalukbong ng itim na kurtina! tawag pala dyan, abaya o niqab, inpernes ang gaganda nila, now it's my turn to give my passport for stamping hindi talaga ako tumingin sa kanila kasi ayon sa mga sabi-sabi bawal daw tingnan ang mga babae dito, kaya sa baba talaga ako laging nakatingin, na feeling ko nasa harap ang mga reyna, pagkabigay nya ng pasaporte sa akin dagling-dagli akong umalis mahirap na baka magkamali ako ng sasabihin,o paglalakad patay tayo jan!,
Naging smooth sailing naman ang lahat pagdating namin sa laguage area, hindi ako masyadong namangha sa arrival lounge ng Qatar airport kasi hindi malaki ang lugar, at tapos ng pagkakuha ng mga bagahe lumabas agad kami, at akoy namangha (wow epek!) na naman dahil halos puro lalaki lang ang sumusundo sa mga pasahero, inpernes ang titisoy nila, at ang babaho pa! este ma-aroma pala ang bango na sumalubong sa aming pagdating, pero di ko sila pinansin dahil sa sobrang excited andito na kami sa lupang desyerto. Gabi na kaming dumating dito hindi pa namin masyadong naaninag ang kagandahan at naramdaman ang init ng tempratura ng Qatar. At ng nagkumpol-kumpol na kaming lima nag-aantay sa susundo sa amin, makikita ko sa aming mga ngiti ang saya at takot kung anong kapalaran meron kami dito.
Dumating ang aming sundo, Si Manong Berde (mention in Part2) at agad kaming inilagak sa aming bahay tulugan ( accomodation) sa aking kwarto 6 kami katao bed spacer ang drama, kasi bawal may babae automatic puro lalaki ang kasama ko, wala munang landian kasi may JET lag pa ako..echos!
at kailangan munang matulog! at nagdadasal kung anong meron sa pagsikat ng Bukang Liwayway sa bansang pinapangarap na magbibigay daw ng kaginhawaan sa tulad naming dukha sa bayang pinanggalingan!....
0 komento ng mga nagmamala-sakit::
Post a Comment